Dalawang araw na lang at isang taon na ako dito... kumbaga sa bata, unang taon ng kapanganakan ko....hehehe ( o huhuhu??) mamili ka na lang... gusto ko lang magbalik tanaw at mag-isip-isip kung ano na ang nangyari....
actually maaga akong gumising nung April 25, 2002 kasi di pa ayos ang bagahe ko.. I had to be at the Airport @12noon kasi 3pm ang lipad ng eroplanong sasakyan ko at higit sa lahat ang pera ko ay Peso pa at kelangang papalitan ng US dollars... gusto ko na ding magpasalamat sa pinsan kong si Ate Lita for providing my transpo at the same time for lending me 100K para lang makumpleto ko ang pera ko.. san na ako ngayon kung di dahil sa yo? senti-senti.... nagpunta pa ko ng parlor at nagpalinis ng kuko dahil mahal daw sa Canada, AS IF NAMAN MAGLALAST YUN FOREVER!!! ano yun, tattoo? tapos pag-uwi ko tumawag ang kebigan kong si Gina at iniiyakan ako, buti na lang nag-low batt ako at nasa Zambales (yata!) siya kaya naputol ang drama niya, hehehe... habang ang mga pamangkin ko naman ay tahimik na nanonood ng tv, ewan kong dahil sa lungkot o dahil sa tuwa at maghihiyawan sila paglagpas ko sa kanto... siyempre nung time na para umalis dumating ang aking eldest sister, hipag kong si Glace at ang pamangkin kong kamukha ng brother ko na si Frances at kami'y nagkodakan pa (nasan na nga pala yun?!)... when it was time to go and leave the house, tumagaktak na po ang mga luha at akala mo ba di na kami magkikita ng mga anak-anakan ko.. pinakamalakas umiyak ay ang panganay kong si Rochelle (ala na kasing hihingan ng pera at kuripot ang lola niya) at tahimik namang natutulog ang bunso kong si Penpen... hmmm.. na-miss ko tuloy si Penpen... si Daniel naman ay nauna pang sumakay sa kotse, akala mo kasama.. tinawagan ko pa ibang friends ko pero sandali lang kasi low batt na talaga ako!
Fast forward na tayo----> siempre, naiwan akong mag-isa sa NAIA at nakita ko pa si Eric Quizon na nagpipilit makakuha ng atension ng mga tao kaso ala talaga siyang mapala... mali pa pinuntahan kong waiting area at muntik na akong mapunta sa Singapore, hehehe... me nakilala akong Pinay sa plane, marunong siyang mag-French kaya sabi ko pag-aaralan ko din yung language para maiba naman kaso taga-Vancouver siya so hanggang Vancouver lang ang friendship namin... first international flight ko at smooth naman ang take off kaya hanggang ngayon ay puzzled pa din ako bakit nagsuka ng katakot-takot si Aileen nung pumunta siya sa Sydney... well, talaga sigurong me kinalaman ang airline at pilot sa paglipad ng airplane... PAL ako eh, kasi siempre, Pinoy! di man lang ako naidlip sa biyahe, paano palabas ang Harry Potter kaya itsurang nood naman ako sa big screen nila tsaka di talaga ako inantok eh...
Fast Forward ulit -->>>> sabi ng Pilot, "we are now approaching Vancouver International Airport", ek-ek, me tagalog-english-french translations pero di ako interesado kasi, ganda ng Vancouver, me snow pa ang mga mountainscapes nila kaya puting puti talaga at maganda ang city scape nila kasi napapaligiran ng ocean (lakes daw, o sige na) tapos, boink! landing na.... di ko alam gagawin ko, so yung isa pang na-friendship kong matanda na papunta din ng Toronto, sinabayan ko..haba ng pila sa customs kasi maraming immigrants na dumating tapos okay naman, di ako tinanong nung gwapong nasa counter kung ano mga dala ko (buti na lang kasi me dala akong Fundador, ever!) then hinanap ko ang aking mga baggages na kalahating oras bago ko nakita at punta naman ako sa pinaka-nakakatakot sa lahat --- immigration!!!! mali pa pinasukan ko kasi sa exit ako pumasok... hehehe... pinoy eh! nakita ko pa yung kasabay ko nun sa pre-flight seminar at sa Vancouver din sya, sayang cute pa naman kaso kasama ang misis... hindi naman ako ni-nerbiyos o kinabahan man lang kasi makapal ang face ko at di ako naniniwalang pauuwiin ako, kahit ipabilang pa sa akin ang perang dala ko, siguradong kumpleto... tatlo lang ang tinanong sa akin ng gwapong (na naman!) immigration officer -- are you single? where will you stay in Toronto? how much money did you bring with you? --- tapos, boink ulit! pinirmahan nya at pumirma din ako dun sa Visa, then binigay nya paper for my application ng SIN... voila! I am now a certified immigrant of Canada... sabi lang nya, welcome to Canada, Miss Padilla (as in single "l", kaya di ko na kamag-anak si Robin)...
heto pa, muntik akong naiwan ng eroplano, kasi 15 minutes before take off pa ako naka-lusot sa check-in counter-- at least di pa nakakaalis, eh yung nauna sa akin, business class pa, 3pm pumila eh ang flight niya, 230pm! so takbo na pa ako, mga 10minutes na alang pahinga.. at sa boarding pass, sumingit ako, di ko alam na me pila.. pero di naman ako pinansin ng mga intsik na siningitan ko.. buti na lang... umabot naman ako... at kasakay ko pala yung mga intsik, ang iingay nila akala mo may ari ng Air Canada... at mas maganda, 330pm, sabi sa amin, di pa daw kami lilipad kasi di dumating ang pilot...hahahaha! iiiiiiiiimmmmmmmm amuseedd!!! so in short, 430 na yata kami umalis o 5pm... well, at least nakatulog na ako at natulog akong kahit paano papuntang Toronto... ok pala magbiyahe sa gabi, mas kita mo ang dinadaanan through night lights, at kakatuwa kasi tumpok-tumpok ang mga ilaw so alam mo kung saan me tao at saan wala... after 4 hours, Toronto na daw, hoy!
grabe ang lamig huh! buti me cardigan ako, at after 10 years, nakita ko ang bespren ng kuya ko na napangasawa ng pamangkin ko... sa kanila kasi ako titira... ala lang, tumawag kami sa nanay ko para sabihing nandito na ako tapos kwentuhan at pinakain ako ng sinigang na ox's tail at pinainom ng Tim Horton's hot chocolate.. tapos tulog na... 12noon na ako nagising kinabukasan, pinuntahan ang mga bahay ng mga pinsan kong huli kong nakita ay 20 years ago, at nagpunta agad kami sa mall para samahan ko silang magshopping... tama ba yun? at me welcome dinner pala for me... akala ko maaga pa, yun pala alas-9 na ng gabi, me araw pa kasi eh...
sa 25th, ang mga nakakaiyak, nakakalungkot, nakakatawang pangyayari sa buhay ni Bing, na ngayon ay Ann na....
<< Home